Dahil na bobored ako.
Mag bo-blog nalamang ako at dahil tayo ay pilipino nararapat lang na magtagalog ako kahit na wala sa tamang salita. 1:55 midnight. Gasing pa rin si Meryl. Katunayang nag internet agad matapos umalis ng mga kabanda ko pag tapos namin mag jam kahapon, January 7,2012 (kahit na masama ang pakiramdam yung tipong nilalagnat na me trangkaso na me hangover baga. Parang coffee, 3 in 1) Kailangan na eh. Namove kasi yung finals namin sa January 22. Sabog na naman ang tugtog namen! OYEAH. Laking karangalan din naman na makapag open act kami ke Nina at Aiza Seguerra sa araw n ‘yon. Samantala, nag open na ko ng Facebook ng banda (Bandang Discula); nag upload ng pictures, nag update ng status, etc. Sabay yung akin naman. Wala lang binati lang yung mga may birthday tas out na agad. Sabay LOG-IN SA TUMBLR. Scroll scroll scroll…reblog..like..reblog reblog..sa loob ng mahigit isa o dalawang oras yan lang ang ginagawa ko. Nahihilo nanaman ko. Moody rin ‘tong sakin ko eh pabalik balik. Tas yaon, pinag patuloy nalang ang pag nood ng Heartstrings (at dahil tungkol siya sa banda at musika pinanood ko talaga siya, korny kasi ng schedule sa TV eh puro pa me-cut) Maganda naman ang istorya *Applause applause*. Tas ayun dahil nag topak yung website na pinag papanooran ko, nanood nalang ako sa Mysoju.com tas ayun habang nag loload yung Episode 9 part 5 at Episode 10. Nag blog ako.
Tagged as: presentandpast. january 8 2012.