Topo


DRUM OUR HEARTS OUT




Ano talaga ang gusto ko?

Kung tatanungin mo ko. Isa lang naman ang isasagot ko ‘dyan eh. Yon ay kung san ako magiging masaya at walang pinag sisisihan sa huli. Nung bata pa ko gusto ko na maging isang Veterinarian, mahilig ako sa mga hayop at kahit san ako makakita gustong gusto ko ‘tong iuwi sa bahay pero kapalit ‘non eh ang armalite na sermon ng mama ko. Pero katulad ng iba nag babago ang panahon, ang hilig, mga kasama at pati sarili mong pananaw nag babago. Bandang highschool nahilig na ko sa mga litratong may magagandang kuha at ibig sabihin o ‘yung tinatawag nilang “photography”. Tuwang tuwa akong makakita ng mga ganto na talaga namang kabigha bighani. Naging interasado ako sa mga ganung bagay, gustong gusto ko ‘tong pag aralan at habang tumatagal napapamahal na ko hanggang sa masabi ko sa sarili ko 

“‘to na talaga ang gusto ko”

Pero hindi lahat ng panahon tama na sundin natin ang gusto natin, hindi porke’t dun tayo masaya ‘yon na dapat. Syempre kailangan din nating isa isip ang pagiging praktikal lalo na sa panahon ngayon. 

Nang nag karoon kami ng proyekto sa Arts ng pag dodrawing. Hindi ko ‘to ikinatuwa. Badtrip na badtrip ako kasi sa larangang ‘yon talaga ako mahina, highschool na ko pero pag dating sa pag dodrawing nga mga tao, hanggang Stick People lang ang kaya ko. Pero nung ginagawa ko ‘yon nagulat ako at nag e-enjoy pala ako sa ginagawa ko umabot na nga ng umaga habang nag dodrawing ako eh at hanggang ngayon tuwang tuwa ako lalo na may proyekto kami sa pag gawa ng Miniature House. Sipag na sipag at tuwang tuwa akong dinodrawing ang draft ng gagawin ‘kong bahay. At doon ko napatunayang,

“Gusto kong maging Architect” 

Nang sinasabi ko ‘to sa mga kaibigan ko nagulat sila kasi alam nilang wala sa katauhan ko ang pag dodrawing lalo na sa mga ganung sobrang matrabahong gawain. Hindi ko ma-explain sakanila kung bakit naging ganun. Pero Nag e-enjoy talaga ako eh. Pero hanggang ngayon, wala pa ‘ring ka siguradohan ang desisyon ko pag dating sa kolehiyo. Panu nga ba ako makakagawa ng desisyon kung sarili kong magulang ayaw ang mga gusto ko?


1 note | Reblog | 4 months ago
Theme By: Heloísa Teixeira